“Love letters are forever” [Unang Kabanata]

Roses-on-Antique-letters-2-1024x652

“Love letters are forever”

Naglalakad ako nun’ at biglang umulan. Wala akong dalang payong kaya naki silong muna ako sa tapat ng Greenwich sa Mango Avenue. Biglang may lumapit sa akin at nag tanong kung saan ba pwede sumakay ng jeep papuntang SM City Cebu. Gwapo siya matangos yung ilong, moreno. Sinagot ko ka agad yung tanong niya ng mahina “Ahhm sa waiting shed po kayo maghintay ng 03B papuntang SM”. Nagpasalamat yung lalaki at umalis ka agad.

Patuloy parin yung buhos ng ulan habang papalayong tumatakbo yung lalaking nagtanong sa akin. Mayat-maya’y hindi ko na siya matanaw. Madami naring taong naki silong sa fast food na sinisilungan ko.

[6:00pm]
Mga dalawang oras din akong naghintay na huminto yung ulan at sa wakas tumigil na nga. Lumakad ako ng ilang mga hakbang ng may biglang humawak sa aking mga kamay at tinawag akong “Oy! best”. Napahinto ako at nakita ko ang mukhang pamilyar sa aking mga mata. “Hoy! Kumusta kana?” – biglang tanong ko. Matagal-tagal din ang hindi namin pagkikita ng mokong ito, busy rin sa school eh. Parehong graduating students. “Okay lang! Hindi kana nagpaparamdam sa akin eh. May iba kana sigurong bestfriend. Pinagpalit mo na ako” – sagot niya.

Bago ko ituloy ang kwento ng buhay ko. Ako pala si Vince Darius Dy, 20, nakatira sa Cebu pero our family came from China. Dito ako lumaki sa Pilipinas kasi nga sa negosyo na mina-nage ng aking pamilya. Si Thomas ay half British, half Korean yung bestfriend kung mokong, medyo gwapo nga siya. Magkaklase kami since elementary. Nahinto lang nung nag college kami. Hindi pareho yung course na kinuha namin siya ay Business Ad. ako Architect.

“Engot!” – sabi ko sa kanya. “Ahhh, ako pa talaga yung engot ha!” – sabi niya. “Anyway, anong ginagawa mo dito?” – tanong ko sa kanya. “Huwag mong ibahin ang usapan, bat’ hindi kana nag papakita sa akin ha? Gago!” – patampong sabi niya. “May tupak talaga yang utak mo ano eh, noong isang linggo lang mag kausap lang tayo ano. May Amnesia lang pre?” – sabay batok ko sa kanya. Sabay takbo!. “Hoy, aba quota kana ha” – sabay habol sakin. Ganun talaga kaming mag-kakaibigan parang mga bata lang. HAHA XD. Bata pa naman talaga kami eh ano.

Pagkatapos ng paghahabolan namin tumigil kami sa isang kilalang restaurant dito sa cebu. “Hinihingal na ako yan tuloy gutom na ako, libre mo’ko kasalanan moto” – sabi ko sa kanya. “Aba kasalanan ko pa talga? Sige na nga gutom narin ako eh” -sabi niya. Pumasok kami sa “Abuhan” pangalan ng restaurant. Pagpasok namin medyo tahimik yung lugar, makikita mo na mga mayayaman lang talaga ang kumakain. Umupo kami sa isang table na pang dalawang tao lang. May lumapit na waiter at binigyan kami ng menu. “Here’s your menu sir” – sabi nung waiter. Medyo cute yung mga waiter nila. Habang inaabot ng waiter yung menu nakatitig lang ako sa kanya at biglang kumindat. At yun’ kinilig naman ako. Nakita ni Thomas yung pagkindat ng waiter. “Ano yun?” -tanong niya. “Wala”. “Ay naku Vince sinasabi ko sayo”. “Ano kaba wag mong bigyan ng malisya yung tao, waiter nga diba? Syempre they put smile on their face”.

 

Tiningnan ko yung menu’s nila, ang mga nakasulat:

– BeefRibs a la Pochero
– Bicol Express
– Crispy Pata
– Abuhan Tres Fried Rice
– Adobong Kangkong
– Ampalaya Guisado
– Baby Back Ribs
– Baked Talong
– Baked Scallops
………………………………………………………………………………
Haaaah! Madami rin pala, hindi ko na kayang basahan yung iba. Ang pinili ni Thomas ay yung BeefRibs a la Pochero. Paborito lang talga niya ang Pochero kahit anong klaseng pachero pa yan. Ako naman dahil diet ako ang pinili ko lang ay Apple Crumble. Syempre stay healty and fit tayo no. Itong si Thomas kahit anong kainin maganda parin ang pangangatawan. Kahit minsan lang nag gi-gym.

Tuloy lang yung kainan namin ng may tinanong si Thomas sa akin. “Kumusta na ang buhay pag-ibig?”. “Eh to parin stay single, forever single”. “Ikaw naman kasi, ayaw mo pa sagotin si Michelle. Alam mo naman baliw na baliw yun sayo”. “Eh ikaw kaya!”. “Anong ako?”. “Ikaw na lang kaya ang mang ligaw sa akin”. tik-tok-tik-tok-tik-tok. Biglang tumahimik yung paligid. Dinig na dinig ko yung tunog ng Orasan ng restaurant. “Joke!” – mabilis kung sinabi. “Ito naman oh, walang talo-talo gago. HAHAHA” – sabay inom ng tubig. “Ikaw? kumusta na kayo ng Girlfriend mo?” – tanong ko sa kanya. “Ito parin, away bati away bati” – marahan na sagot niya. “Bat’ naman kasi palagi kayong nag-aaway?”. “Ewan ko, nitong nakaraang araw parang nag-kakalabuan narin yung relasyon namin. Nagagalit siya sa akin kasi wala na raw akong oras sa kanya, busy lang naman talaga sa school eh”.

Si michielle ay Muse namin nung Highschool kami, maganda syempre, matalino, ngunit nga lang masungit. Ewan ko nga kung bakit na gustohan ng gagong yan ang babae na yun. Mag fo-four years na yung relasyon nila, kahit hiwalay balik hiwalay ulit tapos balik ulit. Stay strong naman yung relasyon nila. Kaya nga hindi na ako magtataka kung nagkakalaboan na ang dalawa kasi pagkatapos nito balik sa dati na naman ang relasyon ng dalawang yun.

Tinitingnan ko ang mokong habang kumakain, cute nman talaga tong bestfriend ko. Aaminin ko hindi ako straight, pero kahit ka unti wala akong pagtingin sa gagong to. (Hindi na ako magsisinungaling. Panghuli na to).

Inubos ko na rin yung Apple Crumble ko, at mga ilang minuto umalis na rin kami. Nagpaalam sa isat-isa at umalis na. Gusto pa sana akong ihatid ng mukong. Anong akala niya? Hindi ako marunong umuwi? tsk. >.<

Hintayin ang mga susunod na kabanata!

Advertisements

2 thoughts on ““Love letters are forever” [Unang Kabanata]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s