Assuming!

io

What is Love? For me, “Love is like a rosary full mystery”.

Alam nating lahat bilang isang tao, nagkakagusto rin tayo sa kapwa tao. Normal lang yun pero ang hindi normal yung nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki. Mahirap isipin pero ang dami ng ganyan sa mundong ito. Ang pagiging bakla, bisexual or ano pa yan ay hindi isang uri ng sakit na isang inom mulang ng gamot ay mawawala na. Mararamdaman mo nalang ito sa iyong sarili, at pakiramdam mo ay iba ka sa mga gawain ng mga lalaki. Mahirap isipin na ganito kami kasi alam namin meron paring tao na hindi kami tanggap dito sa lipunan. At ang mas masakit pano’n yung hindi ka tanggap ng iyong pamilya. Yung feeling na sila na lang yung karamay mo dito sa mundo pero sila pa yung mas kinamumuhian ka. Pero bakit pa ba kami naging ganito kung magiging miserable lang naman ang buhay namin dito sa mundo? Lahat ng tanong nayan ay gusto kung malaman. Ngunit sa pakikipaggsapalaran ko dito sa mundong ito nasa akin rin pala yung sagot. Yung sagot na yun ay yung pagtanggap ko sa sarili ko kung sino ako, kung saan ako masaya. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao kasi buhay ko to.

Akala ko ang buhay ay puro pagtupad lang ng mga pangarap natin sa buhay. Pero kasama pala talaga dito ang mga aral na dapat mong matutunan. Sa tulong nang mga problema na nasasalubong natin sa buhay nagiging mas matatag tayo sa mga panibagong problema.

Pero paano kung ang problema ay bago, yung hindi mo pa talaga na susubokan? Isa lang sagot dun kundi harapin mo at wag matakot kung ano mang resulta dito.

Kagaya ko ngayon nasa bingit ng kamatayan este nasa bingit ng bagong problema. Para sa akin problema ang magkagusto sa isang tao na alam mong hinding-hindi magkakagusto sayo.

Ako pala si Jonathan, tahimik na tao pero kung magiging kaibigan moko maghanda kana kasi mas matindi pato sa taong sira ulo. I am a Scholar student sa aming Munisipyo. Thankful nga ako kasi Full Scholar ako. Siguro kung hindi ako naging scholar hindi koto masusulat at makakagawa ng kwento 🙂 I am taking BSICT – Bachelor of Science in Information Communication and Technology in Cebu Technological Univeristy Main Campus – CTU-MC. I am taking this course dahil passion ko talaga ang paggamit ng computer. 😀 Okay hindi kona eh expand kung sino ako. Just read my story and Enjoy!

When I was a 1st year college sa isang Unibersidad dito sa Cebu, ang aim ko lang noon ay makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa aking pamilya then makapaghanap ng magandang trabaho  First day of class, isa lang ang kakilala ko doon si Ivan kasi He was my classmate already since High School. Some of my classmates are new faces and they were not look familiar to me. First week of class after madami narin akong naging kaibigan, pero dumating ang time na nag away na naman kami ni Ivan. Sa pagkakatanda ko dahil yun sa selos, selos na walang kwenta. Iwan ko ba kung bakit bigla na lang akong nagalit sa kanya, maybe its because siya lang yung friends ko dun pero pinagpalit lang niya ako sa mga bago naming kaklase.

One month after, meron akong isang kaklase na cute guy, alam kung gwapo siya pero kahit isang admiration lang sa kanya wala akong nadama. Iwan ko ba, halos lahat ng kaklase ko crush siya. Classes going on, exam dito, exam diyan. Halos same routine, ang hirap nga noong time na yun kasi lahat ng mga kaklase ko ay sobrang matatalino, magagaling. And of course hindi ako nagpatalo, study here study there study everywhere. Hence, I still have a lower grades in English and Math. I admit mahina talga ako sa english, I’m not saying hindi ako marunong mag english pero I hate Grammars talaga. Grrrr! Sa math naman okay lang, average lang minsan kasi sumasakit ang ulo ko sa mga numbers nayan kaya siguro I got lower grades din sa math.

Tumagal ng tumagal halos naging close narin ako sa mga kaklase ko especially that cute guy. I’m not assuming na magiging super close or friends kami. Pero habang tumatagal may napapansin akong kakaibang galaw na pinapakita niya sa akin. As if naman may kahulugan yun sa kanya. SIguro assuming lang talaga ako. Kaya pinalampas ko yun, iniiwasan siya upang makalimot sa mga pinagiisip ko.

Dumating ang buwan ng december, nagpaplano na kami kung saan gaganapin ang aming Christmas Party. Syempre na pagplanohan namin na sa Outdoor namin gaganapin ang aming christmas party. Majority suggested na mag Beach Party na lang kami. At sang ayon naman ang nakararami. Ginanap namin ang Christmas Party namin sa Isla ng Lapu-lapu sa Cebu. I could still remember the name of that place “Green Beach” it is not a resort but it was just a big rest house. Merong care taker sa bahay na yun kaya okay lang na may maligo but of course merong bayad walang libre sa panahon ngayon. HAHA. That time kami lang ng buong kaklase ko ang maliligo sa Rest house na yun kaya’t ang saya kasi walang ibang tao kami lang talaga. We seized that day so much. Swimming there swimming here lang kami nun. But before we started our party we eat first because pagod din sa byahe. After we eat kumuha ako ng isang bottle ng coke at pumunta sa may tabing dagat. I am covering my head that time a Sarong while drinking a softdrink. Maya’t-mayay nilagay ko yung softdrinks ko sa tabi ko to fix the sarong that I am wearing. Bigla na lang lumapit yung cute guy kinuha niya yung softdrinks ko at ininom. I was shocked kasi hindi ako sanay na iniinom yung na inoman ko na. Pagkatapos, ininom ko yung natira syempre nauuhaw pa ako nung time na yun.

Pagkatapos ng mga nangyari, doon nag simula lahat-lahat. Mas lumalim yung paghanga ko sa kanya, maliban sa pagiging cute niya mabait rin siya. Actually ako yung tipong hindi makuha sa isang tingin lang, I need to know more that person after ako magtiwala. Kaya siguro nahulog ako sakanya, kasi nasa kanya na ang lahat. Sabi nga ni Daniel sa kanta niyang Nasayo na ang lahat “Ang bait, ang ganda ang talino”.

Dumaan ang Pasko at Bagong taon, pasukan na naman. Siyempre excited ako sino ba naman hindi magiging excited na makitang muli ang crush niyo. Dumating ang pasukan, hindi mo maaalis ang kwentong hatid ng mga kaklase mo sayo. Chika doon chika dito. Nakakasawa pakinggan, ikaw ba naman hindi maka get over sa pasko, dagdagan mo pa ng Bagong Taon. Honestly, I tried my best to complete the “Misa de Gallo” pero bigo ako eh. Hindi ko na kompleto ang pag simba tuwing Madaling-Araw. Pero yung wish ko talaga noon kapag na kompleto ko ang siyam na Simbang Gabi ay sana naman mas lumalim pa yung pagiging friends namin. Pero sa kasawiang palad, ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ka aya-aya. Mas dumami ang nagagalit sa akin. Ewan ko ba, taon-taon na lang merong ako nakaka-away. Sinubokan ko namang maging friendly. Tss! Okay lets omit that bad happenings sa aking buhay. Focus tayo sa Buhay Pag-ibig ko. HAHAHA 😀 Ayon, ang daming projects na dapat naming gawin, pati nayong Drawing subject namin. Nakakainis lang kasi ang mamahal ng materials na kailangan bilhin.

Tanghaling tapat may demonstration yung Professor namin sa Drawing Subject, dahil sa ka kulangan ng mga gamit sa Eskwelahan tiis-tiis na lng sa iisang Laptop na walang Projector. Pinalapit kami ng Professor namin sa harap para mag Demo kung paano gawin ang ibinigay niyang Project sa amin. Kalahati lang ang lumapit sa kanya para tingnan ang pinapatingin niya. Yung time na yun, focus lang ako sa ginagawa ng Teacher namin. Bigla na lang lumapit yung cute guy sa likod ko at may kasamang akbay habang nakatingin sa Laptop ng Teacher namin. Of course, awkward stage pa ako noon sa kanya kaya umalis ako at lumipat ng ibang pwesto. At yun, continue lang sa pagtingin ng demonstration. Maya’t-mayay meron na namang umakbay sa likuran ko pagtingin ko yung cute guy na naman. Ewan ko kung bakit sa may likuran ko talaga siya nakatayo. Yung time na yun umalis naman ako agad, kasi nga ayaw kung maging close sa kanya kasi mas nadidevelop lang ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siya. Ayon pag-alis ko narinig ko siyang nagsalita at sinabing “Ano ba naman to siya oh, sa tuwing lalapit ako bigla na lang siyang aalis”. Pagkatapos kung marinig yun isang ngiti ang nagawa ng labi ko. Ewan ko ba, masaya lang siguro ako noong time nayun sa Successful yung plano ko. HAHAH (Evil Laugh)

Ilang buwan ang dumaan, napapansin na ng mga kaklase ko especially yung mga barkada ko sa school namin na may Crush ako sa cute guy na yun. Naiinis ako kasi bakit ako natuloy ang naghahabol sa kanya. Tsk >.< Yun nga, naririnig narin niya ang mga asaran ng kabarkada ko na may crush ako sa kanya. Feel na feel naman ng loko. G.R.R.R. ~.^

Dumating ang mga araw-araw, same parin naman ang pagtrato niya sa akin kagaya ng pagtrato niya sa akin noon. Kaya mas lumalim pa yung nadarama ko sa kanya. Siguro hindi ko na feel sa kanya ang salitang rejection.

Nang matapos ang buhay 1st year college namin sa school. Kanya-kanya silang labas para ma feel ang Summer Vacation that time. At ako nasa bahay lang, “NGA-NGA”. Kaya nga I hate summer vacation. Wala kasi sa vocabulary ng parents ko ang mga ganyang bagay like Outing or out of town. Kasi nga wala kaming budget sa mga ganyan-ganyan. Ayon wala akong ibang ginawa kungdi pumunta sa Internet Shop, Bahay ng Pinsan. Same old routine hangang sa natapos ang Summer Vacation.

Dumating ang pasokan, syempre 2nd year college na ako noon. Bigla na lang kaming may na laman, isang masamang balita na nakapagbago ng buhay ko.  Gossshh! (I can’t forget those momentum). Binago ng Chairman namin ang listahan ng mga Pilot students. May tatlong sekyon lang kasi yung kurso namin, started with section A, B, and C. They merged the 3 section into 2. So all of us were tear apart from each other. At guess what? Hindi na kami mag-kaklase ni cute guy. Parang gumuho yung mundo ko nun that time. Echooosss! Puro ako ako ka-Dramahan. Yung totoo, may konting lungkot pero mas nangingibabaw parin yung saya kasi halos kabarkada ko kaklase ko parin. Isang taon hindi ko nakasama si cute guy, nagkikita naman kami. Pero na miss ko parin yung pagiging joker niya. Corny naman lahat ng jokes niya, pero iwan ko ba kung bakit ako natatawa. HAHA. Kfine!

After one year, Pasukan na naman. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi nakaabot parin ako ng 3rd year college. HEHE (Sarcastic) At yun, hindi na nga binalik sa dati yung original Section namin. Tiis-tiis parin. Naghahanap ng bagong inspirasyon. Sinubukan kung kalimotan siya. Fortunately, nakalimotan ko naman talaga siya. Wala na yung spark na nakikita mo kung titingin ako sa kanya. HAHAH.(Wag magpaniwala)

Ang daming nangyari sa buhay namin ng naging 3rd year na kami. Mas naging matured kami sa lahat ng bagay. (As if naman totoo-HAHA). Pagkatapos ng paghihirap namin sa school. We are now an OJT’s. Prerequisite kasi sa amin ang pagiging OJT. We were indeed to find our own OJT Company that could help us to develop our skills and knowledge. And so far, I am currently a trainee in a Reliable and Dependable IT Industry. And guess what? Magkasama kami ni cute guy na nagtatrabaho as a trainee. <3.<3 (Kilig much) YES! Pareho kami ng Company na pinagtatrabahoan. We were 14 students from CTU working on that company as a trainee. But wait there’s more, hindi yung school namin ang nag provide ng OJT Company para sa amin. Kami ang nag apply sa ibat-ibang IT Industry Company. Halos 30 resume’s ang nagamit ko para makahanap ng Kompanya na tutulong sa akin at tanggapin ako bilang trainee nila. Ngunit sa kasawiang palad, Lahat na yun ay puro failed. Over qualified naman yung skills ko na nakalagay sa Resume ko as an IT Student. Siguro sa Interview ako palaging bagsak. Sinabi ko nga sa upper part ng story nato na, “I hate English so much”. Kaya yun ang kinalabasan ng mga Interviews ko.

Many days were passing by, may message akong natanggap isa sa mga pinasahan ko ng resumes ko. “1 message received” I opened it and reading like this (0.0). “Hello! GoodMorning. We would like to inform you that you can start your OJT next week. This is Delonix Marketing Corporation. Thank you!”. Para akong mabaliw sa tuwa that time kasi nga sa wakas natanggap narin ako. After ng kabaliwan ko, I had remember that, this cute guy was also submitting his resume to the same company.

So I decided to text him and asked

Me: “Do you also received a text message from this company?”.

Cute Guy: “Yes! You too?”

Me: “Ahm, yes”

And it was just like the best conversations ever we’ve made.

 

Almost 3 months, we were now working as a trainee to the said company. They taught us how to become a Good SEO(Search Engine Optimization) specialist. Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari sa amin that cute guy sa loob ng tatlong buwan? Sinabi ko lang naman na crush ko siya. Na siya yung first na lalaki na kinababaliwan ko. At first I don’t have the guts to take a step to tell him what I felt. Pero dahil narin sa pagiging baliw ko sinabi ko narin sa kanya. But wait, only through Skype. HAHA. Syempre hindi ko carry ang Face to face no! Baka mahimatay ako sa takot. At yun, ilang araw rin akong nagtiis sa bigat na nararamdaman ko dahil sa sinabi ko sakanya. Ilang araw din ang dumaan bago niya sinabi sa akin na “Were just Only Friends”.

(Background Music)

♪♫♪♫♪♫Pakisabi na lang na mahal ko siya, di na baling may mahal siyang iba ♪♫♪♫♪♫

…………………………………………………………………………………………………………………………………….

Alam niyo ba kung ano ang masakit? Hindi yung salitang “Were just Only Friends” pero yung totoo na kahit alam mong wala talaga pero mahal mo parin siya kahit alam mo na ang totoo. T.T </3 Super emotional ako that time. Maybe it was the first time na naging super emotional ako dahil sa Love. Halos lahat ng love song namaririnig ko bigla na lang tutulo yung luha ko. (Puro Kadramahan).

(While Crying)

♪♫♪♫♪♫ Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw, pati ang isip ko’t damdamin ay humihiyaw♪♫♪♫♪♫

…………………………………………………………………………………………………………………………………….

Ilang araw rin hindi ako naka pag move on, parang dalawang beses ako umiyak sa tuwing naiisip ko siya. Grabe no? HAHA. Kung maka pag-move on parang naging kami. HAHAHaaay ang buhay parang Life. Pagkatapos ng lahat ng yun balik sa normal. Parang wala lang nangyari. HAHA.

Ang natutunan ko sa Problemang ito:

“Huwag mag assume ng sobra, kasi masakit ang umasa” – Nathan

 

At siguro dito na natatapos ang kwento ko namin ni Cute guy. Salamat po! At sana makita ko na yung right guy na magmamahal sa akin ng sobra 🙂 Paalam (Kaway-kaway)

 

XOXO :*

 

 

Advertisements

18 thoughts on “Assuming!

    • XOXO says:

      Hi shang 🙂

      Buenas Tardes, Thank you for reading my story. My purpose for sharing this to story is to Inspire all the people in the world. Thank you 🙂

      DARA
      2NE1

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s